Exalt: “Who You Say I am”
Empower: Ephesians 4:22-24; Romans 6:4,8:9-10,12:2; 2 Corinthians 5:17
Living as a New Creation
Efeso 4:22-24 - 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
Sa mga talatang ito, nanawagan si Pablo sa mga mananampalataya sa Efeso (a city known for its pagan practices and idolatry) na hubarin (put off) ang kanilang dating pagkatao (old self/ unregenerated nature) at talikuran ang dating pamumuhay (lifestyle) na hindi ayon sa kalikasan ni Cristo. Sa halip, isuot nila ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos (the “new self” that reveals the character and nature of God). [Compare Colossians 3:9-10] Ang totoo, ang kanilang panloob ay nabago na; ang bagong pagkataong ito ay matuwid at banal, kaya ito na ang dapat maihayag sa kanilang buhay. This inner transformation became possible only through the regenerating power of the Holy Spirit.
Maraming tao ang gustong mabago ang buhay; pilit na binabago ang panlabas. Nagbabago naman sumandali pero, as expected, laging bumabalik sa nakasanayang buhay (dating pag-uugali, kultura, lifestyle). Bakit? Dahil hanggat hindi nababago ang panloob (by being born again in the spirit), walang tunay na pagbabago ang makikita sa panlabas. Hindi kayang baguhin ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng sariling lakas o kakayahan. Tanging ang kapangyarihan ng Ebangelio o ng Salita ng Diyos (as quickened by the Holy Spirit) ang maaaring kumilos sa puso ng tao upang siya’y magbago.
As for us, believers of Christ, we have experienced this transformation or newness of life. Noong tayo’y naniwala sa Mabuting Balita ng Ebangelio [that Christ was buried (proof of death) and resurrected], ang luma nating pagkatao ay nailibing na rin at tayo’y nagkaroon ng bagong buhay (a resurrected life) at bagong kalikasan (divine nature/Christ’s nature). Tayo’y isinilang na muli (born again); tayo’y naging bagong nilalang - a new creation with Christ’s holiness and righteousness. Kasabay nito, tinanggap natin ang bunga at (mga) kaloob ng Espiritu ng Diyos (ni Cristo) kalakip karangalan at kapangyarihang mayroon Siya. God created a new man in you. Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago (2 Cor. 5:17 MBBTAG). Ito na ngayon tayo – lumalakad sa katuwiran ng Diyos at nabubuhay sa pananampalataya ng Anak ng Diyos na nagmahal at nag-alay ng Kanyang sarili para sa atin.
Do we fully understand and recognize what we have or who we are now in Christ? When we believed the Gospel, something supernatural happened – you receive a new life (eternal); your spirit is made alive (connected with God); your sins are forgiven; you received the Righteousness of Christ; you become a child of God; you receive the nature of God! Halleluiah! Kaya, walang dahilan upang hindi tayo makapamuhay ng matagumpay at puno ng kapayapaan, kagalakan at pag-asa. Walang dahilan upang hindi tayo makapaghari sa buhay!
When we, believers, truly understand and embrace who we are in Christ, our lives would reflect our new identity. Remember, “as a man thinks in his heart, so is he” - Prov. 23:7.
Elevate: Application Question:
1. Isa ka nang bagong nilalang (a new creation) – ito na ngayon ang iyong pagkakakilanlan (identity) dahil kay Cristo. Paano nabago ng katotohanang ito ang iyong pag-iisip (renewing of mind) na nagdulot naman ng pagbabago sa iyong pamumuhay o mga desisyong ginagawa araw-araw?